Robinson’s Supermarket at Iba Pang Kompanya Magdadaos ng In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2020-1-20

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, ang Robinson’s Supermarket at Academy of Operation Excellence & Service Inc. ay magkakaroon ng in-house recruitment sa lungsod simula ngayong araw ng Lunes, Enero 20.

 

Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.

 

Ngayon Lunes, Enero 20 hanggang Martes, Enero 21, ang Robinson’s Supermarket ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa tanggapan ng LRPESO sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Nangangailangan ang Robinson’s Supermarket ng assistant store manager, cashier supervisor, security officer o administrative officer, assistant store manager, receiving supervisor, cashier, sales clerk, receiving clerk, secretary, at sign shop artist.




 

Samantala, ang Academy of Operation Excellence & Service Inc. ay magdadaos din ng in-house recruitment sa ilang barangay sa Marikina tuwing Lunes ng bawat linggo hanggang Pebrero 17. Magsisimula ang in-house recruitment ng Academy of Operation Excellence & Service ngayong araw, Enero 20 sa Brgy. Nangka sa ganap na 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Gaganapin naman ang sumunod na in-house recruitment sa tanggapan ng LRPESO sa Enero 27, simula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Sa Pebrero 3, ito ay gaganapin sa Brgy. Malanday, sa Pebrero 10 sa Brgy. Sta. Elena at sa Pebrero 17 sa Brgy. Sto. Niño sa magkaka-parehas na oras simula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. 

 

Naghahanap ang Academy of Operation Excellence & Service ng delivery crew, merchandiser, delivery driver, motorized sales agent, accounting staff, human resource staff, at encoder.



 

Kaya sa mga wala pang trabaho diyan, o kaya ay naghahanap ng ibang mapapasukan, dumulog na sa mga nasabing lugar sa Marikina at ihanda ang inyong resumé, ballpen, at mga ID pictures. Malay ninyo, nandito na ang inaasam ninyong trabaho.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: