Schedule ng Paghahakot ng Kuyagot sa Mayo-Hunyo ng 2019

PIO Department

2019-5-7

Share article on:

Ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina ay naglabas na ng schedule nang paghahakot ng mga kuyagot sa buong lungsod para sa mga buwan ng Mayo at Hunyo sa kasalukuyang taon ng 2019.


Sa mga araw ng Mayo 19, Hunyo 2, 16 at 30, ang mga barangay na hahakutan ay ang mga sumusunod:


Brgy. Nangka, Brgy. Marikina Heights, Brgy. Fortune, Brgy. Concepcion Uno, Brgy. Concepcion Dos, Brgy. Parang, at Brgy. Tumana.


Samantala, sa mga araw naman ng Mayo 12 at 26, Hunyo 9 at 23,  ang mga barangay na hahakutan ay ang mga sumusunod:


Brgy. Kalumpang, Brgy. San Roque, Brgy. Sta. Elena, Brgy. Sto. Niño, Brgy. Malanday, Brgy. J. Dela Peña, Brgy. Tañong, Brgy. Barangka at Brgy. Industrial Valley Complex.


Ang Hakot Kuyagot ay isang programa ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina upang simutin ang mga hindi na magagamit na mga kagamitan at kasangkapan sa bahay tulad ng TV, refrigerator, washing machine, kama, sofa, mesa at iba pa; mga lumang yero, gulong, pinagputulan ng kahoy at maraming pang iba.


Ito ay ginagawa upang mapanatiling maayos at malinis ang kapaligiran ng lungsod at maging ang mga tahanan sa Marikina para mas maaliwalas ang pag-iisip at pamumuhay ng mga Marikenyo. Ang pagtatapon ng maayos ng mga kasangkapang hindi na ginagamit ay para rin sa pangangalaga ng kalusugan ng mga mamamayan dahil maaring pamahayan ito ng mga insekto na maaring magdulot nang sakit tulad ng mga lamok, langaw, ipis, daga.


Kung may katanungan, mangyari pong tumawag sa City Environmental Management Office (CEMO) sa numero (02) 948-1204 o (02) 948-1205.

Share article on: