SeeYouDoc, Iba Pang Grupo, Nagdaos ng Bayanihan sa Brgy. Nangka

PIO Department

2018-8-24

Share article on:

Nag-organisa ang Victory Metro East, Junior Chamber International (JCI), International Needs Australia (INA), Project Jeremiah, ICI Marikina Sapatos at ang SeeYouDoc ng isang medical mission na dinaluhan ng daan-daang Marikenyo na ang iba ay nasalanta ng bagyong si Karding noong nakaraang linggo.

Dinaos ang naturang medical mission sa Nangka Elementary School sa Brgy. Nangka ng Marikina City noong Agosto 18 sa taong kasalukuyan.

Ilan sa mga tulong na naipamahagi ng medical mission ay ang pagbigay ng libreng konsulta sa mga doktor at libreng gamot. Namigay rin ang mga grupong ito ng mga pagkain at damit sa mga residente ng Brgy. Nangka, kung saan may mga kabahayang pinasok ng baha dulot  ng walang humpay na pag-ulan dahil kay Karding na nagpalala sa habagat.

May mga senior citizens ding dumagsa upang magpakonsulta sa kanilang mga nanlalabong mga mata, samantalang ang mga bata naman ay tinuruan ng proper oral hygiene tulad ng regular na pagsipilyo ng ngipin at ang tamang paraan ng pagsisipilyo.

Isa sa mga sumali sa medical mission ay ang SeeYouDoc, isang start-up na kompanya na naka-base sa Marikina. Sa pamamagitan ng kanilang website, maaaring makipag-appointment sa doktor ang mga pasyente.

Para sa karagdadang impormasyon tungkol rito, bisitahin ang kanilang Facebook page: https://www.facebook.com/pg/seeyoudocph/posts/?ref=page_internal


Share article on: