SM Magdadaos ng In-House Recruitment sa Marikina

PIO Department

2019-11-22

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, ang SM Homeworld at SM Supermarket ay magdadaos ng in-house recruitment sa susunod na linggo, Nobyembre 25 at 26.

Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.

Ang SM Homeworld ay magkakaroon ng in-house recruitment na gaganapin sa ika-25 ng Nobyembre, Lunes, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Nangangailangan ang SM Homeworld ng sales clerk, stock clerk, at delivery clerk.




Samantala, sa Martes, Nobyembre 26, ang SM Supermarket naman ay magsasagawa ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Naghahanap ang SM Supermarket ng customer assistant, company nurse, cashier/sales clerk o stock clerk, bagger, accounting assistant/clerk o treasury assistant at receiving clerk.



Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng Labor Relations and Public Employment Services Office (LR-PESO) sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: