SM Supermarket at Iba Pang Kompanya Magdadaos ng In-house Recruitment Ngayong Setyembre

PIO Department

2019-9-3

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, ang SM Supermarket, Reliable Workforce & General Services Inc., Asiawide, Staff Search Asia Service Corp., at Infant Jesus Academy ay magdadaos ng in-house recruitment ngayong araw ng Martes hanggang sa mga susunod na linggo.

Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.

 

Ang SM Supermarket Marikina ay magkakaroon ng in-house recruitment na gaganapin sa apat na magkakaibang araw simula ngayon Lunes, ikatlo ng Setyembre at sa ika-10, ika-17 at ika-24 mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Nangangailangan ang SM Supermarket ng customer assistant, accounting/treasury assistant, cashier/sales/stock clerk at bagger/receiving and dispatching clerk.




Sa Miyerkules ng susunod na linggo, ika-11 ng Setyembre, ang Reliable Workforce & General Services Inc., ay magsasagawa ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Ilan sa mga trabahong maaaring mapasukan ay accounting staff, office staff, human resource (HR) supervisor/assistant, sales promodiser/merchandiser, warehouse personnel, production worker at driver.




Sa Biyernes ng susunod na linggo, ika-13 ng Setyembre, ang Asiawide ay magdadaos ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Naghahanap ang Asiawide ng purchasing officer, sales associate, office staff, registered nurse, medical representative, at driver.




Sa Biyernes ng susunod ding linggo, ika-13 ng Setyembre, ang Staff Search Asia Service Cooperative, ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa Barangay Hall ng Brgy. Jesus Dela Peña at sa ika-20 naman ng Setyembre sa Barangay Hall ng Brgy. Fortune. Nangangailangan ang Staff Search Asia ng service crew.




Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: