SM Supermarket, Iba Pang Kompanya may In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2018-11-20

Share article on:

Magandang balita sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho.

Ang SM Supermarket at iba pang mga kompanya ay magdadaos ng in-house recruitment sa Marikina City ngayong buwan ng Nobyembre.

Sa Nobyembre 23, sabay-sabay na magdadaos ng in-house recruitment ang walong kompanya kabilang ang SM Supermarket, Asiawide Human Resources & Consultancy, Excelsource Multi-purpose Cooperataive, Expressions Stationery Shop, Fineco Management, Sales Team Marketing, Staffwise Solution, at Tech Mahindra. Ito ay magaganap sa second floor ng Marikina Sports Center sa Brgy. Sta. Elena mula 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.


Ilan sa mga trabahong pwedeng mapasukan ay merchandiser, promo specialists, sales associates, booking salesman, delivery helpers, promodiser, nurse, customer support representative, room at public attendant, welder, accounting staff, cashier, stockman, assistant store manager, customer assistant, sales clerk, stock clerk, at marami pang iba.

Ngayong araw ng Martes, Nobyembre 20, ang Excel Pro Placement & Service ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggaang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO sa second floor ng Public Service Center, malapit sa City Hall ng Marikina, sa Brgy. Sta. Elena. Ito ay naghahanap ng sales demo at cashier, merchandiser, supervisor, administrative staff at iba pa.


Magkakaroon din ng sariling in-house recruitment ang SM Supermarket sa Nobyembre 22 at 28 sa opisina ng LRPESO sa second floor ng Public Service Center, malapit sa City Hall ng Marikina, sa Brgy. Sta. Elena mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ang SM Supermarket ay naghahanap ng customer assistant, supplier assistant, human resources assistant, receiving clerk, cashier, sales clerk at bagger.


Ang Big Apple Express Spa ay magdadaos din ng in-house recruitment sa Nobyembre 21 mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LR PESO sa second floor ng Public Service Center, malapit sa City Hall ng Marikina, sa Brgy. Sta. Elena. Ang Big Apple ay naghahanap ng accounting staff, massage therapist, receptionist at cashier.


Ang ACABAR Marketing International ay magkakaroon naman ng in-house recruitment sa Nobyembre 24 sa Brgy. Nangka mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Ito ay naghahanap ng field trainer, area representative, account executive, account supervisors, accounting staff, data analyst at encoder, administrative staff, promo girl at iba pa.


Sa Nobyembre 29 naman, ang Asiawide ay magkakaroon ng in-house recruitment sa opisina din ng LRPESO mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ito ay naghahanap ng promodiser, sales associate, driver, office staff at registered nurse.


Kaya sa mga wala pang trabaho diyan, o kaya ay naghahanap ng ibang mapapasukan, dumulog na sa LRPESO sa Marikina at ihanda ang inyong resumé, ballpen, at mga ID pictures. Malay ninyo, nandito na ang inaasam ninyong trabaho.


Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa opisina ng LRPESO Marikina sa (02) 681-9277 at 586-5988 o pumunta sa kanilang tanggapan sa second floor ng Public Service Center, malapit sa City Hall ng Marikina, sa Brgy. Sta. Elena. Maaari ring tingnan ang kanilang Facebook page –  https://www.facebook.com/Lrpeso/posts/1979058468881306?__tn__=K-R  

Share article on: