SM Supermarket May In-house Recruitment sa Malanday

PIO Department

2018-11-22

Share article on:

Ang SM Supermarket ay magkakaroon ng in-house recruitment sa Brgy. Malanday sa darating na Lunes, Nobyembre 26.

Naghahanap ang SM Supermarket ng cashiers at baggers. Sa mga gustong mag-apply na cashier, dapat ay graduate ng kahit anong four-year course o kaya ay college level. Samantalang dapat college level o nakatapos ng high school ang mga gustong mag-apply bilang bagger.

Ang in-house recruitment ay gaganapin mula 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon sa Barangay Hall ng Malanday.


Magkakaroon din ng in-house recruitment ang Blue Lite Gadgets sa naturang araw ng Lunes, Nobyembre 26, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ito ay gaganapin sa tanggapan mismo ng LR-PESO Marikina sa 2/F ng Public Service Center sa Brgy. Sta. Elena, malapit lang sa Marikina City Hall.

Ang Blue Lite ay naghahanap ng front liner, officer-in-charge at cashier.


Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng Labor Relations and Public Employment Services Office (LR-PESO) sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: