SM, Watsons at 3 Pang Kompanya May In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2018-9-3

Share article on:

Magandang balita para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho.

Ang SM Supermarket, Watsons at tatlo pang malalaking kompanya ay magdadaos ng in-house recruitment sa Marikina ngayong buwan ng Setyembre.

Ang SM Supermarket ay magdadaos ng apat na in-house recruitments sa Setyembre 4, 10, 18 at 25. Idadaos ang recruitment na ito sa tanggapan ng Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) sa 2/F ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena malapit sa Marikina City Hall. Gaganapin ito mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Naghahanap ang SM Supermarket ng mga customer assistants, cashiers, sales clerks, stock clerks at baggers.


Ang Watsons naman ay magkakaroon ng in-house recruitment sa Setyembre 11 mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina rin ng LRPESO. Ang Watsons ay naghahanap ng store managers, store supervisor, pharmacists, pharmacy assistants, cahier, sales/stock clerks.



Ang Elite Jinzai Marketing Services ay magdadaos din ng in-house recruitment sa Setyembre 5 sa tanggapan din ng LRPESO mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ito ay naghahanap ng mga brand promoters, warehouse helpers, retail support services.



Sa Setyembre 12, ang JNS First Employment Services ay magkakaroon din ng in-house recuitment sa LRPESO mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ito ay naghahanap ng HR administrative staff, marketing assistant, assistant restaurant supervisor, service crew/cashier, at marami pang iba.



Ang Dames International Corp. ay may in-house recruitment sa LRPESO sa Setyembre 17 mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ito ay naghahanap ng production helper, warehouseman/delivery helper, drivers, at iba pa.



Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/


Share article on: