Supplies Station at Iba Pang Kompanya Magdadaos ng In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2019-7-8

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, ang Supplies Station Inc., SM Supermarket at Reliable Workforce & General Services Inc. ay magdadaos ng in-house recruitment ngayong araw ng Lunes hanggang sa susunod na linggo.

Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.

 

Ngayong Lunes, ikawalo ng Hulyo, ang Supplies Station Inc., ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Nangangailangan ang Supplies Station ng stock clerk at sales utility clerk.



 

Sa Martes, ikasiyam ng Hulyo, ang SM Supermarket Marikina ay magsasagawa ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Ilan sa mga trabahong maaaring mapasukan ay office staff, accounting staff, HR assistant, customer assistant, company nurse, cashier/sales/stock clerk, at bagger.

 

Samantala, magpapatuloy ang in-house recruitment ng SM Supermarket Marikina sa mga araw ng Hulyo 16, 23 at 30 sa parehong lugar.




Sa Miyerkules, ika-10 ng Hulyo, ang Reliable Workforce & General Services Inc. ay magdadaos ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Naghahanap ang Reliable Workforce & General Services Inc. ng sales promo merchandiser, cashier, beauty consultant, machine/production worker, warehouse or delivery man, at driver.




Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: