Tatlong Kompanya Magdadaos ng In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2019-5-28

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, tatlong kompanya ang magdadaos ng in-house recruitment ngayong Martes hanggang Huwebes.

Ang Fineco Management Corp., Sales Team Marketing Inc., at MCP Mancorp Phils Inc., ay magdadaos ng in-house recruitment sa lungsod simula ngayong araw ng Martes hanggang sa Biyernes.

 

Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.

 

Ngayong Martes, Mayo 28, ang Fineco Management Corp. ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Nangangailangan ang Fineco ng mechandiser na lalaki at may taas na 5’2.



 

Sa Miyerkules, Mayo 29, ang Sales Team Marketing, Inc. ay magsasagawa ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Ilan sa mga trabahong maaaring mapasukan ay junior salesman, booking salesman, delivery drivers at delivery helpers.





 

Sa Huwebes, Mayo 30, ang MCP Mancorp Phils. Inc, ay magdadaos ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina. Naghahanap ang MCP Mancorp ng quality control, inventory staff, sales representative, machine operator, promodiser, barista, cook/dishwasher, delivery helper, piler at 10-wheeler/forklift operator/elf driver.







Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: