Tech Mahindra, Asiawide May In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2018-10-12

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, may gaganaping in-house recruitment ang Tech Mahindra Business Process Service at Asiawide Human Resources and Consultancy Corporation ngayong buwan ng Oktubre.

Ang Tech Mahindra ay magdadaos ng recruitment ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 12, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan mismo ng Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO) sa second floor ng Public Service Center sa Barangay Sta. Elena malapit sa City Hall.

Ilan sa mga job openings ng Tech Mahindra ay customer support representative, technical support representative, at iba pa.

 

Ang Asiawide naman ay magdadaos ng recruitment sa Lunes, Oktubre 15, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan din ng LRPESO sa Public Service Center. Ilan sa mga job openings ay nurse, promodiser, sales associate, driver at office staff.

 

Ang pagkakaloob ng trabaho sa mga Marikenyo ay isa sa mga programang itinataguyod ni Mayor Marcy Teodoro. Kaugnay nito, nais ng kaniyang administrasyon na maraming mamumuhunan ang magtayo ng mga negosyo sa Marikina.

Nakikipag-ugnayan naman ang LRPESO sa mga kumpanya upang hikayatin silang magdaos ng in-house recruitment sa lungsod.


Para sa mga katanungan tungkol sa job fair, tumawag sa Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO) sa mga numerong ito: (02) 681-9277 at 586-59-88. 

Share article on: