Teleperformance Magdadaos ng In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2020-1-31

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, ang Teleperformance Chots Marketing Services ay magkakaroon ng in-house recruitment sa lungsod simula sa Lunes, Pebrero 3 hanggang 7.

 

Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.

 

Sa darating na Lunes, Pebrero 3 hanggang Biyernes, Pebrero 7, ang Teleperformance ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 10:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi sa KFC Blue Wave Mall, Sumulong Highway sa Sto. Niño, Marikina. Nangangailangan ang Teleperformance ng mga customer service representative at technical support representative na may edad 18 pataas.



 

Sa mga wala pang trabaho o kaya ay naghahanap ng ibang mapapasukan, dumulog na sa mga nasabing lugar sa Marikina at ihanda ang inyong resumé, ballpen, at mga ID pictures. Malay ninyo, nandito na ang inaasam ninyong trabaho.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: