Tips Mula sa Marikina Rescue 161 sa Panahon ng Sakuna

PIO Department

2018-8-13

Share article on:

Sa panahon ng sakuna at mga emergencies, nandiyan ang tanggapan ng Rescue 161 na handang tumulong anumang oras.

Nitong nakaraang mga bagyo at baha, kagaya ng Karding na sumalanta sa bansa kasama na ang Marikina noong Sabado at Linggo, nakaagapay ang Rescue 161 sa pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamayan. Nakatutok din sila sa lagay ng panahon upang maabisuhan ang mga Marikenyo, lalo na sa taas ng tubig sa Marikina River.





 

Maliban sa pagtugon ng mga emergency, may mga payo rin ang Rescue 161 ng mga dapat gawin kung kayo at na-trap sa baha at kailangan ng tulong:

*Maglagay kayo ng bagay (matingkad na kulay na tela o signage na nakalagay na humihingi kayo ng tulong) sa inyong bintana na madaling makita ng rescuer.

*Kung may pito, mas maganda pag my narinig kayong rescue boat ay pumito kayo nang mahaba para matawag ang atensyon ng mg rescuers.

*Kung kayo ay magkakamag-anak at may mga cellphone, mas makabubuting huwag gamitin nang sabay-sabay ang mga ito upang may magamit pang ibang cellphone sa oras ng pangangailangan.

*Kung may naka-imbak na pagkain, huwag ubusin lahat. Ibalanse ang pagkain para sa mga tatakbong oras na wala pang rescue ay may makakain pa rin kayo.

 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang kanilang Facebook page: https://www.facebook.com/MarikinaRescue161/

 

Share article on: