Titulo ng Lupa Handog ni Mayor Marcy Para sa mga Pamilyang Walang Sariling Tirahan

PIO Department

2019-3-26

Share article on:

Sa pamamagitan ng programang “Titulo Bawat Tahanan” na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro na bigyan ng sariling titulo ng lupa ang bawat pamilyang Marikenyo na walang sariling tirahan upang masigurong legal ang kanilang paninirahan sa lungsod.


Bukod pa rito, alam ni Mayor Marcy na ang pagkakaroon ng sariling tirahan ay magdudulot ng kapanatagan ng kalooban para sa buong pamilya. Ang maisakatuparan ang pangarap na ito ay makakatulong rin na mabigyan ng maginhawang buhay ang bawat isang Marikenyo.


Simula ng maupo si Mayor Marcy halos tatlong taon na ang nakakalipas, libu-libong pamilya na ang nabigyan ng pagkakataon na maging may-ari ng lupa sa Marikina.


Kamakailan lamang ay nilagdaan ni Mayor Marcy ang mga mahalagang dokumento katulad ng  contract of sale, schematic plan at master list, original title, tax declaration, deed of absolute sale at random survey subsidy assistance na iginawad sa 850 pamilya sa apat na kumunidad sa Marikina.


“Taos puso akong nagpapasalamat sa ating butihing Mayor Marcy Teodoro sakanyang pagtulong dahil nabigyan po kami ng pagkakataon para makamtam namin ang aming pangarap,” sabi ni George Agluba, isa sa mga residente sa Marikina na tumanggap ng titulo ng lupa sa ilalalim ng programa ni Mayor Marcy.


Samantala, ang Land Management and Community Relations Division (LMCRD) na itinatag ni Mayor Marcy noong 2017 ay nagsisilbing sangay ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina upang matutukan at mabilis na maproseso ang mga dokumentong may kaugnayan sa palupa ng mga taga Marikina.

Share article on: