Traffic Advisory at Paalala Para Sa Semana Santa

PIO Department

2019-4-16

Share article on:

Magkakaroon ng traffic rerouting sa lungsod ngayong darating na Semana Santa upang magbigay daan sa prusisyon na bahagi na ng tradisyon sa Marikina tuwing Mahal na Araw.


Ayon sa Facebook post ng Marikina Public Information Office (PIO), sa Miyerkules Santo, Abril 17, ang ruta ng prusisyon ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Abandoned (OLA) ay magsisimula ng 7:00 ng gabi.


Mula sa simbahan ng OLA sa gawing J.P. Rizal St. ay kakaliwa ang prusisyon sa E. Dela Paz St, kakanan sa W.Paz St. at muling kakaliwa patungong Munding Ave.


Ang prusisyong ay magtutuloy pagkakaliwa ng Sumulong Hi-way, kakanan sa E. Dela Paz St., kakaliwa sa Agricultores St., pagkatapos ay kakaliwa pabalik ng J.P. Rizal St., at muling kakaliwa sa V. Gomez St., at magtatapos sa simbahan ng OLA.




Inaabisuhan ang bawat motorista na humanap ng mga alternatibong ruta upang hindi maipit sa daan.


Samantala, upang mapanatiling ligtas ang paggunita ng Semana Santa ngayong taon, nagpaalala rin ang Lokal ng Pamahalaan ng Marikina sa tamang paghawak ng kandila para sa mga Marikenyong sasali sa prusisyon.


Hawakan mabuti nang patayo ang kandila at huwag palihis. Lagyan rin ang mga ito ng pansalo o paper bobeche para maiwasan ang pagtulo nang natunaw na kandila sa kalsada na maaaring maging sanhi ng disgrasya sa mga motorista.




Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Facebook page ng Marikina PIO sa https://www.facebook.com/MarikinaPIO/ o tumawag sa Marikina City Rescue 161 sa numerong 646-2436 hanggang 38.

Share article on: