Traffic Advisory Para sa Pagdadaos ng Lubluban Festival sa Marikina

PIO Department

2019-5-2

Share article on:

Sa pagdadaos ng Lubluban Festival sa lungsod ng Marikina ngayong Sabado, Mayo 4 na magsisimula ng 7:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali pinapaalalahan ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro  ang mga motorista na umiwas sa mga apektadong lugar kung saan gaganapin ang pagdiriwang.


Ang mga kalyeng pagdadausan sa iba’t ibang barangay ay ang mga sumusunod:


Brgy. Industrial Valley Complex - Dama de Noche St. hanggang De Guzman St

Brgy. Barangka - Chorillo St.

Brgy. Tañong - Kalye Putol hanggang Tavera St. at aabot sa Gen. Julian St.

Brgy. Jesus Dela Peña - Malvar St. hanggang L. Victorino St.

Brgy. Kalumpang - Fernando Ave.

Brgy. San Roque - Munding Ave.

Brgy. Sta. Elena - Kap. Antonio hanggang Kap. Moy St.

Brgy. Sto. Niño - Shoe Ave.

Brgy. Malanday sa Purok 7 - Paradise hanggang Kabayani Road

Brgy. Marikina Heights - Ipil St. hanggang sa kanto ng Champagnat St.




Ang Lubluban Festival ay idinadaos sa lungsod upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na walang kakayahan pumunta sa beach o private resorts ngayong tag-araw. Ito rin ay magsisilbing paraan para patatagin pa lalo ang pagsasama-sama ng mga Marikenyo at ang pakikipagkapwa-tao ng bawat isa.


Samantala, magpapatuloy naman ang kasiyahan sa Marikina Sports Center mula 4:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi kung saan marami pang aktibidad ang nakahanda para sa mga dadalo. Ang gawaing ito ay bukas at libre para sa lahat.

Share article on: