Traffic Advisory Para sa Pagdiriwang ng Rehiyon-Rehiyon Festival sa Disyembre 8

PIO Department

2019-12-6

Share article on:

Ang Marikina Public Information Office (PIO) ay naglabas ng traffic advisory para sa pagdiriwang ng Rehiyon-Rehiyon Festival sa lungsod ngayong Linggo, Disyembre 8.


Ang Rehiyon-Rehiyon Festival ay katatampukan ng mga makukulay na street dance at parada mula sa ilang sektor sa Marikina na magpapakita ng kultura at tradisyon ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.


Ang street dance at parada ay magmumula sa apat na magkakahiwaly na lugar sa lungsod na magsisimula sa ganap na 2:00 ng hapon at magtatapos sa Marikina Sports Center sa ganap na 4:00 ng hapon. 


Ayon sa Facebook post ng PIO, ang mga kalyeng maapektuhan ng nasabing gawain ay ang A. Bonifacio Ave., Sumulong Highway, Shoe Ave., Bayan-bayanan Ave., at Daang Bakal.




Magtatalaga ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina ng mga traffic enforcer na magbibigay ng gabay sa mga motorista para sa maaaring gamiting alternatibong ruta.


Para sa dagdag na katanungan, bisitahin ang Facebook page ng Marikina PIO at ng Marikina Rescue 161.

Share article on: