Traffic at Parking Advisory Para sa Disyembre 31 sa Public Market

PIO Department

2018-12-27

Share article on:

Ngayong Disyembre 31, inaabisuhan ng Lokal na Pamahalaan ang mga mamamayang may sasakyan na dala na iwasang gumamit ng W. Paz Street hangga’t maari upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko dahil sa madami tayong mga kababayang mamimili sa public market o palengke.

Ayon sa abiso ng Marikina City Rescue 161, naglaaan ang Lokal na Pamahalaan ng mga parking slots na maaring gamitin sa araw na iyon upang hindi sumikip ang mga daanan sa paligid ng palengke at hindi maapektuhan ang daloy ng trapiko. Ang mga lugar na may parking area na pwedeng magamit ay ang mga sumusunod:

Kahabaan ng Shoe Avenue west side;

Kahabaan ng Jacamar St. south side;

Sta. Elena High School

Sta. Elena Elementary School

Freedom Park

Central Parking






Samantala, may mga kalyeng sarado papasok sa palenge sa Disyembre 31. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: Venciong / M. Cruz Streets; Villalon / M. Cruz Sts.; Villalon St. / Shoe Ave.; Burgos / Sumulong Sts.; Dela Paz / Sumulong Sts.; Jacinto / Sumulong Sts.; at, W. Paz St. / Shoe Ave.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa Marikina City Rescue 161 sa numerong 646-2436 hanggang 38; o kaya ay puntahan ang kanilang Facebook page – https://www.facebook.com/MarikinaRescue161/

Share article on: