Tulong na Pagkain Para sa Mga Health Workers sa Marikina

PIO Department

2020-3-19

Share article on:

Buo ang suporta na ipinamalas ng ilang mga may-ari ng negosyo sa Lokal na Pamahalaan ng Marikina tulad ng Chevy Burger at Goldilocks Bakeshop na naghandog ng libreng pagkain sa mga health workers sa lungsod.


Kahapon ay nagbigay ng 200 hamburgers ang Chevy Burger sa mga health workers na naka duty sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC).




Ito ay personal na hinatid at ipinamahagi ni Mayor Marcy Teodoro sa mga frontline workers ng ARMMC.


"Hindi kayang mag-isa ng pamahalaan lamang. Kailangan tulong-tulong, ang mga pribadong sektor. Ang may kaya, tulungan ang wala,” sabi ni Mayor Marcy.


Samantala, ang Goldilocks naman ay nagkaloob ng pagkain sa mga tauhan ng City Health Office na nagsisilbing mga frontliners sa lungsod at siyang nakikipag-ugnayan at sumusuri sa mga pasyente na hinihinalang may kaso ng coronavirus disease (COVID-19).




Labis ang pasasalamat ni Mayor Marcy sa lahat ng mga nagpa-abot at nais mag-abot ng tulong sa anuman paraan, para sa walang pagod na mga health workers sa lungsod na naglilingkod sa bayan laban sa COVID-19.


Positibong naniniwala si Mayor Marcy na malaki ang magagawa ng pagbabayanihan ng mga Marikenyo upang madaling masugpo ang sakit na COVID-19 na kasalukuyang kumakalat ngayon sa buong mundo. 




Ayon kay Mayor Marcy, sa pagbabayanihan, lahat ay nagtutulong-tulong, buong gobyerno, buong pamayanan.

Share article on: