Voters' Registration Para Sa Mga Kababaihan Gaganapin Sa Marikina

PIO Department

2019-8-13

Share article on:

Sa pagpapatuloy ng nationwide voter’s registration, ang Commission on Elections (COMELEC) Marikina ay magsasagawa ng satellite voters' registration para sa mga kababaihan sa susunod na Huwebes, Agosto 22. Ito ay gaganapin sa City Hall ng Marikina simula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.


Ang gawain ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan sa Marikina na makapagrehistro para sa nakatakdang Barangay at Sanguniang Kabataan Elections sa darating na Mayo 2020.


Maaaring magparehistro ang mga sumusunod:


  • mga kababaihan may edad na 15 years old at pataas na hindi pa kailanman nagpaparehistro sa COMELEC,

  • mga rehistradong botante na nais magpa-reactivate ng kanila voter’s status,

  • mga nais magpalipat ng kanilang voter’s registration record mula sa ibang barangay, lungsod o munisipalidad, at

  • may mga impormasyon na kailangan baguhin sa kanilang voter’s registration record.


Para sa karagdagang katanungan, tumawag sa tanggapan ng COMELEC Marikina sa linyang 646-1665.

Share article on: