Walang Pasok sa mga Paaralan, Enero 13

PIO Department

2020-1-13

Share article on:

Inanunsyo kagabi ni Mayor Marcy Teodoro ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Marikina ngayong araw ng Lunes, Enero 13 bilang pag-iingat sa banta sa kalusugan dala ng ash fall mula sa pagsabog ng Bulkang Taal kahapon.


Samantala, naglabas naman ng mga paalala at gabay ang Marikina City Health Office kasunod ng nasabing pangyayari.






Inaabisuhan ang mga residente sa Marikina na manatili sa kani-kanilang tahanan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.


Ayon sa talaan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang Bulkang Taal ay naitalang sumabog ng 33 beses sa kasayasayan ng bansa at ang pinakamalaking pagsabog nito ay noong Oktubre 3, 1977.

Share article on: