Walang Pasok sa mga Paaralan sa Marikina Bukas: Mayor Marcy

PIO Department

2018-8-14

Share article on:

Dineklara ni Mayor Marcy Teodoro ngayon na walang pasok bukas, Miyerkules, Agosto 15, sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Marikina.

Narito ang buong pahayag ni Mayor Marcy:

“Upang mabigyan ng sapat na panahon na makapaglinis at makapag-ayos ng kanilang mga tahanan ang ating mga kababayang taga-Marikina na lubos na napinsala sa nagdaang kalamidad, ating pinagpasyahang suspindihin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pampribadong paaralan bukas, Agosto 15, 2018 (Miyerkules). Hinihikayat ang bawat isa na magsama-samang magtulungan para sa Marikina.


Share article on: