Walang Pasok sa mga Paaralan sa Marikina, Disyembre 3

PIO Department

2019-12-3

Share article on:

Muling inanunsyo ni Mayor Marcy Teodoro ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Marikina ngayon araw ng Martes, Disyembre 3.


Ito ay dahil sa patuloy na banta ng sama ng panahon dulot ng bagyong Tisoy. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bahagyang humina ang bagyong Tisoy sa pagpasok nito sa bansa ngunit ito ay patuloy na magdadala ng malakas na hangin at pag-ulan sa parte ng Luzon at Visayas.


Itinaas na ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 2 sa buong Metro Manila at karatig na bayan.


Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas sa kani-kanilang tahanan at gawin ang mga kinakailangang pag-iingat at paghahanda ngayon tag-ulan.


Para sa pinakabagong mga update at iba pang impormasyon mula sa Lokal na Pamahalaan ng Marikina, mangyaring suriin ang Facebook page ng Marikina City Rescue 161 at ng PIO:


https://www.facebook.com/MarikinaRescue161/ https://www.facebook.com/MarikinaPIO/ 

Share article on: